#NEWSEVENTS JUNE 17, 2019



2019 New Year Countdown

January 03, 2019 05:15 PM


Bagamat maulan ang panahon, walang nakapigil sa New Year Countdown na inihanda ng Lokal na Pamahalaan para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Naki-jam ang mga manonood nang tumugtog ang local band na Dalisay and Friends, habang na-entertain naman sila sa masayang pagsayaw ng grupong Version 3 Syi and Console.

Naghandog naman ng mga kantang nakakatindig balahibo sina MJ Novelo (SJC Pop Idol winner) at Vanj Manugue.

Lalo namang natuwa at kinilig ang mga manonood nang lumabas at marinig ang mga musika ng bandang 6cyclemind.

Ilan sa kanilang mga kinanta ang Prinsesa, Kasalanan, Sandalan at iba pa na nagpasenti at nagpasaya sa mga dumalo.

Hindi naman mawawala sa programa si Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama ang kanyang pamilya na palaging nakikiisa at sumusuporta sa mga aktibidad ng lungsod.

Sa mensahe ni Mayor Kokoy, sinabi nyang mas lalo pang pagpapalain ang 2019 at mas maganda ang mangyayari sa lungsod sa taong ito.

Sabay-sabay namang nagbilang ang mga San Josenian sa pangunguna ng Punong Lungsod para salubungin ang bagong taon at sabay sabay na pinanood ang inaabangang fire works display.

Dumalo rin sa naturang programa sina Congw. Mikki Violago, Vice Mayor Glenda Macadangdang, Councilor Patrixie Salvador at Councilor Ronald Lee Hortizuela.

(Jennylyn Cornel)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image