#NEWSEVENTS DECEMBER 15, 2018



K Outreach sa Brgy. Calaocan, tinangkilik

November 29, 2018 04:42 PM


Dinagsa ng mga mamamayan sa Brgy. Calaocan ang K Outreach Program na ginanap doon kahapon, ika-28 ng Nobyembre at nahandugan ng mga libreng serbisyo mula sa mga sangay ng Lokal na Pamahalaan.

Sa pamamagitan ng programa ay naaabutan ng libreng mga gamot, medical check-up, dental services, vaccination, at marami pang uri ng serbisyong pangkalusugan. Namimigay rin dito ng bigas, groceries, at seedlings. Bukod dito, tumutulong din ang programa sa pagbibigay-payo tungkol sa pabahay, legal, senior citizens assistance, pagrerehistro, at marami pang iba.

Dumayo rin sa lugar sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, kasama ang mga konsehal sa Sangguniang Panlungsod.

Nagbigay sila ng kani-kaniyang mensahe at karamihan dito ay tungkol sa tuloy-tuloy na ginagawang progreso sa lungsod.

Mainit naman ang ipinamalas na pagtanggap ni Kapitan Jimmy C. Gabay kasama ng kanyang mga opisyales sa ginanap na programa.

Masaya namang pinagsaluhan ng mga dumalo ang masarap na boodle fight matapos maihandog ang mga serbisyo.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image