#NEWSEVENTS NOVEMBER 20, 2018



Brgy. Manicla, may Potable Water System na rin

October 24, 2018 03:54 PM


Makatitiyak nang may malinis na tubig ang mga taga-Manicla matapos pasinayaan rito noong Lunes, Oktubre 22 ang isang Potable Water System o POWAS sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kasama si Punong Barangay Roy Valencia, at iba pang mga opisyal at residente ng naturang barangay.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Kokoy na batid niya ang kahalagahan ng tubig mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog, kaya naman pinagtuunan ng pansin ng Lokal na Pamahalaan ang proyektong POWAS para matugunan ang pangangailangang ito ng mga mamamayan.

Siniguro naman ni J.E. Dizon ng City Health Office - Sanition Division na malinis at ligtas na inumin ang tubig mula sa POWAS. Hiling lamang niya sa pamunuan ng Manicla na pangalagaan ito.

Ito na ang pang-16 na POWAS at ilan pang ganitong proyekto ang papasinayaan sa taong ito.

Dumalo rin sa programa sina City Councilor Roy Andres at Atty. Ronald Lee Hortizuela.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image