#NEWSEVENTS OCTOBER 17, 2018



Patok na K Outreach, umarangkada sa Pabalan

October 10, 2018 04:57 PM


Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga mamamayan sa Pabalan, Abar 1st nang handugan sila ng mga biyaya mula sa K Outreach Program ni Mayor Kokoy Salvavor nito lamang ika-10 ng Oktubre sa covered court ng naturang lugar.

Samu’t saring mga kagamitan at libreng serbisyo ang inihandog ng K Outreach gaya ng mga salamin sa mata, gamot at vitamins, contraceptives, seedlings, bakuna, bigas at groceries, medical at dental services, at marami pang iba.

Pinasigla nina Mayor Kokoy, Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, at ilang opisyales ng Lokal na Pamahalaan ang programa. Gaya ng malimit gawin, nagbigay sila ng mga mensahe sa mga mamamayan at lahat ay nagsalo-salo sa boodle fight.

Magiliw naman ang pagtanggap nina Kapitan Librado Dulay at mga Barangay kKagawad sa mga bisita at mga mamamayang dumalo.

(Ramil D. Rosete)



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image