# JUNE 26, 2019



Teen Information Center Summer Workshop 2019

May 31, 2019 03:06 PM


Matagumpay na naidaos ang Summer Workshop ng Basic Guitar at Basic Keyboard Lesson na inorganisa ng Teen Information Center.

Nagsimula nitong Mayo 15 ang workshop na nilahukan ng 44 na kabataan upang matuto at mas lumawig ang kanilang kaalaman sa pagtugtog ng mga naturang instrumentong pangmusika.

Idinaos naman ang kanilang graduation at recital nitong Mayo 29 sa 3rd floor Learning and Development Room sa City Hall at dito ipinamalas ang kanilang mga natutunan at talento.

Tumanggap ng Certificate of Completion ang lahat ng nagtapos, habang ang mga nagsilbing guro sa workshop na sina Christelle Somera para sa Basic Guitar at Ryan Jacob Go Pascua para sa Basic Keyboard ay ginawaran ng Certificate of Appreciation.

Kaugnay nito, nagpahayag ng kanilang pagbati sa mga kabataan sina City Population Officer Nathaniel Vergara at Councilor Patrixie DP. Salavador, Chairman ng Committee on Population. Nagpasalamat din sila sa lahat ng lumahok at sa paglaan ng kanilang oras sa naturang programa.

Ang Teen Information Center ay nagsasagawa ng mga programa para sa mga kabataan na nais matuto ng iba’t ibang aktibidad na mas lalong makapagpapataas ng kanilang kompiyansa sa sarili at mas malinang ang kanilang talento.



Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image