#NEWS AND EVENTSOCTOBER 16, 2018



Kauna-unahang Teen Information Center sa Nueva Ecija, nagbukas na

September 10, 2018 | View on Facebook


Pormal nang pinasinayaan at binasbasan nitong araw, Setyembre 10, ang pagbubukas ng dalawang mahahalagang opisina na magiging kaakibat ng mga kabataan sa Lungsod San Jose: ang Teen Information Center (TIC) at Local Youth Development Office (LYDO). Ginanap ang okasyon sa 3rd Floor, City hall Building.

Ang San Jose City Teen Information Center ay itinatag sa bisa ng City Ordinance No. 17-014 at ito ang kauna-unahang Teen Information Center naitatag sa buong Nueva Ecija. Ang Local Youth Development Office (LYDO) naman ay naitatag sa bisa ng Executive Order No. 09, series of 2017-B.

Sa nasabing opisina, magkakaroon ng mga volunteer workers tulad ng psychologists, health workers, social workers, life coaches at peer assistants para gumabay sa mga kabataan.

Pinangunahan nina Mayor “Kokoy” Salvador, Vice mayor Glenda Felimon-Macadangdang, Ms. Vicky Barbea Dela Torre – Assistant Regional Director ng Commission on Population, SP Councilor Patrixie Salvador, at Mr. Nathaniel O. Vergara - Chief of City Population Office ang ribbon-cutting ceremony. Nagbigay din ng pagsuporta ang iba pang opisyales ng Sangguniang Panlungsod habang si Pastor Enrique Varde ang nagbasbas at nanguna sa panalangin.

Binigyang-diin ni Mayor Kokoy sa kanyang mensahe ang mahahalagang isyu at problema tungkol sa mga kabataan at kung papaano sila matutulungan. Sa talumpati naman nina Kag. Trixie Salvador at Ms. Dela Torre, hinikayat nila ang ibat-ibang sektor na makiisa sa pagtataguyod ng mga programa para sa kapakanan ng mga kabataan.

Dumalo din sa naturang okasyon ang mga piling estudyanye, youth leaders, at mga representatives mula sa iba’t-ibang opisina ng Lokal Na Pamahalaan.

Ang tema ng nasabing okasyon ay “Linking the Communication and Service Delivery Mechanism in Addressing Adolescent Issues”. Tumayong emcees sina Ma. Theresa D. Vizcarra at Mae Zusette A. Mendoza, ang bagong head ng TIC at LYDO.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image