#NEWS AND EVENTSNOVEMBER 12, 2018



Job Fair ng City Day, dinagsa

August 14, 2018 | View on Facebook


Mahigit walong daang aplikante (818) ang sumubok ng kapalaran sa isinagawang Job Fair nitong nakaraang Biyernes na ginanap sa San Jose West Central School Covered Court, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day.

Mapalad naman ang isang daan at apatnapu’t walong (148) nakipagsapalaran na ideneklarang Hired on-the-spot (HOTS) o agad na natanggap sa trabaho sa nasabing Job Fair.

Naging katuwang ng Public Employment Service Office (PESO) ang dalawampu’t walong ahensiya – pito (7) rito ay para sa overseas recruitment at dalawampu’t isa (21) naman ay mga lokal na kumpanya gaya ng Tipco, Citi Hardware, Sutherland Global Services, Magic Appliance Center, Heart of Jesus Hospital, Sanford Marketing, Toyota, Maxim De Humana, i-Power, at iba pa.

Dinagsa ang naturang Job Fair hindi lamang ng mga San Josenians kundi maging ng ilang residente rin ng mga karatig bayan. (Rozz Rubio)


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image