#NEWS AND EVENTSSEPTEMBER 18, 2018



Financial assistance sa LGU scholars, ibinigay na

July 04, 2018 | View on Facebook


Ipinamahagi na sa 100 estudyanteng napiling Iskolar ng Lungsod ang financial assistance mula sa Lokal na Pamahalaan noong Hunyo 28 sa City Hall Conference Room.

Nakatanggap ang bawat isa ng scholarship grant na P7,000 para sa semester na ito. Matatandaang ang dating limang libong piso na allowance para sa scholar ay pinataas ni Punong Lungsod Kokoy Salvador sa halagang pitong libo noong siya ay magsimulang manungkulan.

Sa 479 high school graduates na nag-apply ng scholarship, ginamit ang mga sumusunod na batayan sa pagpili ng scholars: ang kanilang grado, written exam, interview, financial status, at character investigation.

Mananatili silang scholars hanggang sa sila ay magtapos ng kolehiyo kung mame-mentina nila ang mga sumusunod na grado: 2.5 or 80% GPA at walang bagsak sa unang taon; 2.75 GPA at walang bagsak sa ikalawang taon; pasadong marka sa lahat ng subjects sa ikatlo at ikaapat na taon.

Sa mensahe ni Mayor Kokoy Salvador nang kanyang i-award ang financial assistance, pinaalalahanan niya ang mga kabataan na pagbutihin ang pag-aaral at panatilihin ang magagandang grado para sa kanilang kinabukasan. Dagdag niya, kabilang ang edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan sa mga prayoridad ng bagong administrasyon.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image