#NEWS AND EVENTSDECEMBER 11, 2018



K Outreach Program, naghatid serbisyo sa Brgy. Caanawan

June 04, 2018 | View on Facebook


Matapos ang nakaraang BSK election, muling umarangkada ang K Outreach Program upang maghatid ng mga libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan para sa mamamayan ng San Jose.

Una nang dinayo ng naturang programa ang Brgy. Caanawan nitong Huwebes (May 31) kung saan dinagsa ng mga residente ang mga serbiyong tutugon sa kanilang pangangailangan.

Ilan sa mga ibinabang serbisyo ng K Outreach ay ang libreng konsultasyon, bunot ng ngipin at gamot, bigas para sa food for work program, libreng bitamina at pampurga sa mga alagang hayop at bakuna kontra rabies.

Nagpamagahagi rin ng libreng reading glasses, seedlings, contraceptives, iodized salt at marami pang iba,.

Kasama ring naghatid ng serbisyo ang Public Employment Service Office (PESO), City Civil Registrar’s Office, City Library, at Franchising and Regulatory Office.

Makikita rin ang suporta ng ilang konsehal ng lungsod kabilang na sina Counselor Victoria Adawag, Jennifer Salvador, Patrixie Salvador at Atty. Ronald Lee Hortizuela at si Vice Mayor Glenda Macadangdang na nagbigay rin ng mensahe sa naturang programa.

Tulad ng regular niyang ginagawa, kasama sa programa si Punong Lungsod Kokoy Salvador upang mapakinggan ang mga hiling at saloobing ng mga taga-barangay.

Nagkaroon din ng Boodle Fight kung saan nakasalong kumain ng mga residente ang Punong Lungsod at ilang opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Maaasahan naman ang walang tigil na pagbisita ng K Outreach Program sa iba pang barangay sa lungsod upang matugunan ang ilang pangangailangan ng mga mamamayan.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image