#NEWS AND EVENTSAUGUST 19, 2018



Taunang Brigada Eskwela, nagsimula na

May 29, 2018 | View on Facebook


Umarangkada sa lungsod nitong Lunes ang "Brigada Eskwela 2018" na may temang “Pagkakaisa Para sa Handa, Ligtas at Matatag na Paaralan Tungo sa Magandang Kinabukasan sa pagbubukas ng klase sa ika-4 ng Hunyo.

Bilang panimula ay sama-samang nagparada ang mga guro na pinagunahan nina Schools Division Superintendent Teresa Mababa, OIC ASDS Dante Parungao kasama ang iba pang volunteers na nagsimula sa Sto Niño 3rd Elementary School papuntang Porais Elementary School kung saan naging panauhing pandangal dito si City Mayor Kokoy Salvador.

Sa kanyang mensahe sinabi niyang magandang programa ng Department of Education ang Brigada Eskwela dahil dito aniya nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makatulong sa paglilinis ng paaralan upang magkaroon ng ligtas na eskwelahan ang mga mag-aaral.

Kaya naman naglaan siya ng pondo para dito at nangako rin ang Punong lungsod na kung kukulangin ang pondong nailaan sa Brigada ngayong taon ay dadagdagan niya ito sa susunod na taon upang hindi na mahirapan ang mga guro.

Samantala pinangunahan ni Mayor Kokoy ang Symbolical Hand washing and Distribution of Paints kasama sina Schools Division Superintendent Teresa Mababa, ASDS Dante Parungao Chief of Police Supt. Marco Dadez, City Fire Marshal Dante Tavares at kinatawan ng AFP.

Ang Brigada Eskwela 2018 ay isinasagawa sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa at magtatapos sa June 2. Bahagi ng programa ang taunang paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan at gamit sa paaralan. Ito ay nilalahukan ng iba't ibang grupo at mga estudyante, magulang, guro, NGO’s, LGU at mga miyembro ng pulisya at militar.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image