#NEWS AND EVENTSJUNE 19, 2018



Summer Sports Clinic, patuloy na umaarangkada

May 25, 2018 | View on Facebook


Matapos ang matagumpay na pagbubukas ng libreng Summer Sports Clinic para sa basketball at swimming noong Mayo 16, sinundan naman ito ng lawn tennis, table tennis at karatedo na nagbukas noong Lunes, Mayo 21, kung saan lumahok ang isang-daan at limampung kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Isa ito sa mga programa ni Punong Lungsod Kokoy Salvador para sa mga kabataan, upang matulungang mahubog ang kanilang galing sa sports habang sila’y nalilibang.

Pinangunahan ng Sports Development Office katuwang ang Lokal na Pamahalaan ang naturang aktibidad.

Inaanyayahan naman ang iba pang mga kabataan na sumali sa libreng pagsasanay sa swimming para sa 2nd at 3rd batch sa Mayo 28.

Magtatapos ang Summer Sports Clinic sa unang linggo ng Hunyo.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-uganayan sa Sports Development Office o tumawag/mag-text sa 0922-8682003.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image