#NEWS AND EVENTSNOVEMBER 12, 2018



FEP Agri Yo: Youth Farmers Training

May 15, 2018 | View on Facebook


Halos limampung kabataan ang lumahok sa ginanap na FEP Agri Yo: Youth Farmers Training ng Jollibee Group Foundation at PETA, katuwang ang City Cooperative Development Office at City Agriculture Office sa Hotel Francesko nitong Huwebes, Mayo 10.

Layunin ng dalawang araw na pagsasanay na maalis ang hiya at maging bukas sa pagsasaka ang mga kabataan, malaman ang mga susing elemento na tumutukoy sa kasalukuyang estado ng pagsasaka sa Pilipinas at pagsasaka para sa sarili, pamilya, pamayanan at lipunan.

Sa pamamagitan nito inaasahang matututo at maihahanda ng mga kalahok ang kanilang sarili sa pagbabago, pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa iba.

Ipapaalam din dito ang kalagayan ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas at ang pagbabago upang maitaas ang sektor ng agrikultura.

Samantala, ginanap ang graduation ceremony sa nasabing training noong Biyernes, May 11.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image