#NEWS AND EVENTSMAY 27, 2018



Kabataang San Josenians, isinalang sa Nutrition Evaluation

May 10, 2018 | View on Facebook


Nagsagawa ng Nutrition Evaluation sa lungsod ang mga kinatawan ng Nutrition Office Region III upang alamin ang kalagayan ng kalusugan ng mga kabataan dito.

Ang unang barangay na kanilang pinuntahan ay ang Porais at sa Hunyo naman ay bibisitahin din ang iba pang mga barangay sa lungsod.

Ilan sa kanilang mga tinignan ang timbang ng mga bata at kung naipapatupad ba ang mga programang pang-nutrisyon sa lugar.

Layunin ng naturang programa na mabawasan ang bilang ng mga kabataang malnourished, at para kilalanin din ang mga Lokal na Pamahalaan sa Region III na mayroong magagandang performance sa programang pang- nutrisyon.

Kaugnay nito, kabilang din sa ebalwasyon ang Search for Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholars 2017 kung saan kabilang ang pambato ng lungsod na si Luzviminda Bandoja ng Porais.

Gagawing basehan ang magiging resulta ng pag-aaral upang makita ang mga problema at kung papaano ito masosolusyonan para mas mapabuti ang estado ng nutrisyon sa lungsod.

Nagpasalamat naman ang mga taga-Regional Nutrition Evaluation Team (RNET) sa Lokal na Pamahalaan lalo na kay Punong Lungsod Kokoy Salvador at City Nutrition Office sa pag-aasikaso sa kanila at sa kooperasyon ng mga mamamayan.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image