#NEWS AND EVENTSSEPTEMBER 18, 2018



K Outreach Program, naghatid ng serbisyo sa Brgy. Porais

May 07, 2018 | View on Facebook


Patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mga libreng serbisyo sa pamamagitan ng K Outreach Program na dumayo sa Brgy. Porais nitong Mayo 3.

Dito, dinagsa ng mga residente ang programa kung saan nakatanggap sila ng libreng konsultasyon, libreng gamot, libreng bunot ng ngipin, at pagpoproseso ng sanitary health certificate na isinasagawa ng City Health Office, gayundin ang pamimigay ng City Veterinary Office ng libreng bitamina, pampurga at bakuna kontra rabies sa mga alagang hayop.

Patuloy naman sa pamamahagi ng mga produktong may Sangkap Pinoy Seal (SPS) at iodized salt ang City Nutrition Office

Kasama rin sa K Outreach ay ang CENRO at City Agriculture Office na nagpamigay ng punlang puno, buto, punlang gulay at marami pang iba.

Ang City Population Office naman ay patuloy sa pamamahagi ng contraceptives at dumating din ang mga kinatawan ng City Legal Office at Sangguniang Panlungsod.

Naghahatid din ng serbisyo ang Public Employment Service Office (PESO), City Civil Registrar’s Office, City Library, at Franchising and Regulatory Office.

Hindi rin nawala ang nakasanayan na ni Punong Lungsod Kokoy Salvador na muling nakisalamuha sa mga residente doon upang malaman ang kanilang mga hiling, saloobin at suhestyon sa mga programa at proyekto ng lungsod at mabigyan ito ng agarang aksyon.

Nagkaroon rin ng pagkakataong magrelax ang mga residente sa hatid na libreng masahe ng H2P3 Massage Therapists.

Pinangunahan naman ng City Social Welfare and Development Office ang mamimigay ng bigas para sa kanilang “Food for Work” program.

Pakaabangan naman ang barangay na susunod na dadayuhin ng K Outreach Program.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image