#NEWS AND EVENTSAUGUST 19, 2018



K-Outreach Program, dumayo sa Brgy. Kaliwanagan

March 19, 2018 | View on Facebook


Walang sawang naghahatid ang K-Outreach Program ng mga libreng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan para paglingkuran ang mga mamamayan ng lungsod.

Nitong nakaraang Biyernes (Marso 16), dinayo ng programa ang Brgy. Kaliwanagan kung saan nakatanggap ang mga residente ng iba’t ibang serbisyo at benepisyo mula katulad ng libreng bigas, mga gamot, buto ng gulay at prutas, libreng konsultasyon, bunot ng ngipin at gamutan.

Ilan pa sa mga serbisyo ay ang libreng contraceptives, masahe mula sa H2P3, libreng gupit, iodized salt, choco milk para sa mga bata, at marami pang iba.

Kaugnay nito, buong puso ring pinakinggan ni City Mayor Kokoy Salvador ang bawat hinaing at saloobin ng mga residente, upang agarang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Samantala, muling dadayo at maghahatid ng mga libreng serbisyo ang K Outreach Program sa Brgy. Malasin sa darating na Biyernes (Marso 23).


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image