#NEWS AND EVENTSDECEMBER 15, 2018



K Outreach Program, dinagsa sa Brgy. Palestina

March 12, 2018 | View on Facebook


Nitong Biyernes (Marso 9) ng nakaraang linggo, dinumog ng mga residente ng Brgy. Palestina ang pagbaba ng mga libreng serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach program.

Dito, nabigyan ang mga taga-Palestina ng iba’t ibang serbisyo ng mga departamento ng lokal na pamahalaan tulad ng libreng bunot ng ngipin at gamot, libreng gupit, masahe, buhangin, bigas at marami pang iba.

Personal ding nakipag-usap si Mayor Kokoy Salvador sa mga residente upang malaman ang kanilang hinaing at mabigyan ng aksyon ang mga ito.

Sama-sama ring pinagsaluhan nina Mayor Kokoy, ilang kawani ng LGU at mga residente ang Boodle Fight na pananghalian.

Pakaabangan naman ang naturang programa na dadayo sa Brgy. Kaliwanagan sa darating na Biyernes (Marso 16).


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image