#NEWS AND EVENTSDECEMBER 14, 2018



K Outreach Program, naghatid serbisyo sa Brgy. Pinili

March 05, 2018 | View on Facebook


Dumayo ang K Outreach Program sa Brgy. Pinili nitong nakaraang Biyernes (Marso 2) upang bigyan ng iba’t ibang libreng serbisyo ang mga residente rito. Di rin pinaglagpas ni Mayor Kokoy Salvador ang pagkakataon na makadaupang palad ang mga residente ng naturang barangay at personal na pakinggan ang kanilang mga hiling at saloobin. Gaya rin ng mga serbisyong ibinababa sa ibang barangay, inihatid ng K Outreach Program sa Pinili ang libreng reading glasses, seedlings, bigas para sa Food for Work Program, libreng konsultasyon at gamot, buhangin, contraceptives, iodized salt at marami pang iba. Nagsalo-salo pa sa isang Boodle Fight na pananghalian ang mga residente at si Mayor Kokoy kasama ang ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan. Dumalo at nakisaya rin si Vice Mayor Glenda F. Macadangdang kasama sina City Councilor Trixie Salvador, Wilfredo “Amang” Munsayac, at Jennifer Salvador. Nakatakda namang dumayo ang K Outreach Program sa Brgy. Palestina sa darating na Biyernes, Marso 9. (Rozzalyn A. Rubio)


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image