#NEWS AND EVENTSNOVEMBER 19, 2018



K-Outreach sa Brgy. F.E Marcos

November 19, 2018 | View on Facebook


Isa na namang K-Outreach Program ang makabuluhang naisakatuparan noong ika-16 ng Nobyembre sa covered court ng Brgy. F.E Marcos.

Layunin ng programa na mahandugan ng saya at paglilingkod ang mga mamamayan.

Kagaya ng mga nauna nang K-Outreach sa iba’t-ibang barangay, hinandugan ng mg libreng serbisyo mula sa mga sangay ng Lokal na Pamahalaan ang mga tao doon. Nagpamudmod ng mga gamot, bigas, seedlings, at groceries. Nagbigay din ng mga libreng payo patungkol sa legal, medical, sa pagrerehistro, pabahay, pagbabakuna, assistance sa mga senior citizens, at marami pang iba.

Nagbigay-sigla rin ang mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy O. Salvador. Nagbigay-suporta rin ang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Kapitan Rodrigo P. Reyes Jr.

Isang masiglang boodle fight ang pinagsaluhan ng mga dumalo pagkalipas maihandog ang mga serbisyo sa mga mamamayan.

(Ramil D. Rosete)


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image