#NEWS AND EVENTSAUGUST 19, 2018



Farmers Field School

May 16, 2018 | View on Facebook


Mahigit limampung (53) magsasaka mula sa lungsod ang nagtapos sa apat na buwang pag-aaral kaugnay sa Farmers Field School (FFS) Palay Check ng Provincial at City Agriculture Office.

Napag-aralan dito ang palay check na isang gabay o sistema sa pamamahala sa pagpapalayan na nagpapakita ng pinakamahusay na teknolohiya para makamit ang key check o tamang paraan.

Ayon kay City Agriculturist Violeta Vargas, isa rin itong paraan upang mahikayat ang mga magsasaka na ikumpara ang kasalukuyang pamamaraan ng pagsasaka sa mas modernong paraan upang maiwasto ang mga kakulangan sa pagtatanim at maitaas ang produksyon at kita ng magsasaka.

Kasama rin sa itinuro ang pagkakaroon ng regular na pagpupulong upang maibahagi ang sariling karanansan sa pagsasaka.

Sa pamamagitan nito maipapakita ang mga technology demonstrations, pagkukumpara sa paraan ng pagsasaka, pamamahala, dami at kalidad ng ani.

Dagdag pa ni Vargas na mahalagang masunod ang mga istratehiya ng Palay Check kabilang ang paggamit ng mga importanteng teknolohiya bilang “key check”, pagbuo ng grupo ng magsasaka na tutukoy sa problema sa bukid, pagtulong sa magsasaka matutunan ang Palay Check sa pamamagitan ng pagkukumpara sa ibang magsasaka ng mga gawa, pamamahala, ani at kita.

Pinangunahan naman nitong Miyerkules (May 16) ni Chairman, Committee on Agriculture Kagawad Wilfredo “Amang” Munsayac kasama si City Agriculturist Violeta Vargas at mga kinatawan mula sa Regional at Provincial Agriculture Office ang pamamahagi ng certificate.

Samantala, tumanggap ng sampung (10) unit ng Shallow Tube Well (STW) ang mga grupo ng magsasaka ng San Jose City sa tulong ng Department of Agriculture - Regional Field Office 3 bilang bahagi ng Rice Mechanization Program nitong May 3.

Pinangunahan ni City Agriculturist Violeta Vargas ang pamamahagi at kabilang sa mga nakatanggap ay 2 Farmers Association, 3 Irrigators Association at 1 Kooperatiba.

Layunin ng programang ito na mapataas ang ani at mapalaki ang kita ng mga magsasaka.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image