Home | Profile | City Hall | Services | Projects | News & Gallery Events | CDS | ASB | Contact Us | Guestbook
Details
Ika-39 Anibersaryo ng SJ

Kalikasan, kabuhayan, edukasyon at kalusugan ng mamamayan, ito ang naging sentro ng pagdiriwang ng ika-39 na anibersaryo ng Lungsod ng San Jose, nitong Agosto 8-11.

Ibinukas ang pagdiriwang noong umaga ng Agosto 8 sa isang malawakang Tree Planting na ikinampanya sa lahat ng barangay at paaralan at matagumpay na nilahukan ng mahigit 6,000 indibidwal na sabay-sabay na nagtanim sa BLISS Reforestation Site, at sa paligid ng tatlong bagong tayong dam sa Lungsod kung saan kailangan ng maraming puno. Bagama�t taunang ginagawa sa lungsod ang pagtatanim, sa pagkakataong ito ay naging mas matingkad ang pakikiisa ng iba�t-ibang sektor kabilang ang mga opisyales at mamamayan ng 38 barangay, sangguniang kabataan, mga tanod at kawani ng lokal na pamahalaan gayundin ang mga mag-aaral sa ika-apat na taon sa 15 pampubliko at pribadong hayskul sa lungsod. Hindi rin nawala sa aktibidad ang ilang NGO gaya ng Knights of Columbus at Mason, Guardians at Rotary Club. Ayon kay Kgwd. Wilfredo Escudero, ito na marahil ang pinakamaraming naging kalahok sa lahat ng tree planting na ginanap sa lungsod.

Tampok naman sa aspetong pangkabuhayan ang �GO NEGOSYONG PINOY� isang pakete ng mga libreng seminar pangkabuhayan na ibinukas sa madla sa PAG-ASA Sports Complex. Ang buong maghapon ng Agosto 9 ay inilaan sa pagtuturo ng kaalaman hinggil sa paghahayupan (Hog raising, game-fowl raising) pagpapalahi ng Tilapia, paggawa ng prinosesong karne (tocino, longganisa etc) at paggawa ng sabon. Walang bayad ang mga pagsasanay pati na ang tanghalian ng mahigit 1,000 dumalo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng B-MEG, San Miguel Foods Corporation at Soroptimist International.

Dagdag dito, isang Jobs Fair ang binigyang-daan kinabukasan sa PAG-ASA Sports Complex kung saan may 18 ahensya, kabilang dito ang 9 na overseas agencies ang tumanggap ng mga aplikasyon at nag-interbyu ng may 291 aplikanteng dumalo mula sa iba�t-ibang barangay. Labing-anim (16) sa mga nag-apply ang natanggap sa trabaho nang araw ding iyon. Gayundin naman para sa mga empleyado ng pamahalaan, nagkaroon ng �mobile loan and processing� kung saan marami ang agarang nakapag-proseso ng kinakailangang loans sa PAG-IBIG at nakakuha ng mahahalagang impormasyon hinggil sa kanilang remittances nang hindi na bumiyahe pa.

Binigyan din ng diin ang pagpapahalaga sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng mga patimpalak sa mga mag-aaral at paggawad ng anniversary bonus sa mga guro sa pampublikong paaralan. Sa pagtataguyod ng mga NGO ng San Jose ay idinaos ang �Crossfire�, isang Inter-High School Debate (itinaguyod ng Rotary Club) na nilahukan ng 6 na paaralan sa lungsod atang �10th Inter-School Quiz Bee� na itinaguyod naman ng Narra Lodge 171. Bilang pagpapahalaga sa mga guro ng lungsod, iginawad ni Punong Lungsod Marivic Belena at Gobernador Aurelio Umali ang tig-P1,000.00 anniversary bonus sa 660 guro na nagmula sa pondo ng panlalawigan at panlungsod na pamahalaan.

Samantala, mayor na aktibidad din ang �Free Medical Screening/Healthy Lifestyle at Blood Letting� upang itimo sa mamamayan ang pagpapahalaga sa kalusugan. Itinaguyod ng City Health Office ang libreng pagsusuri sa dugo (blood typing, blood cholesterol, blood sugar at blood pressure) kasama ng mga boluntir at nangampanya para sa pagdodonasyon ng dugo. Ang nakalap na mahigit 60 bag ng dugo ay napunta sa PJG at San Jose Gen. Hospital. Isinulong rin ang kalusugang pangreproduksyon ng mga kababaihan sa libreng bilateral tubal ligation kung saan maraming maybahay ang natulungan.

Bagamat halos lahat ng inilunsad na aktibidad ay inialay sa mga prayoridad na programa ng LGU, sinaliwan ito ng masayang pagparada ng mga dilag ng Binibining Nueva Ecija at Mass Wedding sa PAG-ASA Sports Complex. Binasbasan ang buong selebrasyon ng isang Misang Pasasalamat sa pangunguna ni Fr. Cesar Vergara.

Isang matingkad na katangian ng selebrasyong ito ay ang masiglang paglahok ng mga barangay mula pa sa paghahanda hanggang sa takdang araw. Ito ay nagluwal hindi lamang ng mas maraming taong lumahok sa bawat aktibidad kundi gayundin ngmas maraming suportang materyal, pinansyal at moral mula sa iba�t-ibang sektor upang tagumpay na maidaos ang buong pagdiriwang � tugma lamang sa tema ng okasyon na, �Barangay na sama-sama, Lungsod ay Sasagana�.




KALUNGSOD KO, MAHAL KO. Mahigit 100 katao ang tumugon sa paanyaya ng pamahalaang lokal na magbigay ng dugo para sa mga nangangailangan.

photos by Freddie Manuel



| Share |

 


Maharlika Hi-way, San Jose City
Nueva Ecija, Philippines
email: info@sanjosecity-ne.gov.ph