Home | Profile | City Hall | Services | Projects | News & Gallery Events | CDS | ASB | Contact Us | Guestbook
Details
Mag-aaral- Dangal ng Magulang, Guro at Bayan
(by Mary Rose Carbonnel  11/3/2008)

Tayong mag-aaral na pag-asa nitong bayan
Ay dapat magtiyaga ng umasenso ang buhay.
Pangaral ng ama’t inang nagmula sa kamusmusan
Isa-puso natin lagi’t tagumpay’y makakamtan.

Magsunog ng kilay sa tuwina’y naririnig
Madalas sa guro na sa ati’y nagmamalasakit.
Karunungang ipinunla at karunungang dinilig
Ay pagyamaning mabuti’t may biyayang makakamit.

Ang pag-aalaga ng ating inang sagisag ng pagmamahal
Ay suklian ng pagsuyo’t maging mabuting mag-aaral.
Ang pag-ibig sa kapwa’t bayang kinalimutan
Isang mabuting puhunan ang pagkakaintindihan.

Katataga’t paninindigan sa ati’y ‘pinamulat
Ng Amang ang nais na tayo’y makitang matatag
Maging sa anumang problema na ating makakaharap
Sa likod nito ang minimithing pangarap

Tayong mag-aaral na may lakas pa’t talino
Gawin ang mabuti’t ang masama’y iwasang totoo.
Tayo’y isang karangalan ng magulang, guro’t bayan
Tayo sa sangkatauhan at sa lipunan ang susi ng pag-unlad.


| Share |

 


Maharlika Hi-way, San Jose City
Nueva Ecija, Philippines
email: info@sanjosecity-ne.gov.ph